37 huli sa curfew

UMABOT sa 37 ang nahuli ng Anonas Police sa Quezon City sa pagpapatupad ng curfew kaugnay ng Enhanced Community Quarantine.

Hinuli ang mga ito mula alas-9 ng gabi hanggang 1 ng umaga.

Ang mga nahuli ay mga residente ng Brgy. Old Capitol Site, Brgy. Krus na Ligas, Brgy. East Kamias, at Project 2.

Katuwang ng mga pulis ang mga tanod sa pagpapatupad ng curfew.

Ipinaliwanag umano sa mga nahuli ang ipinatutupad na curfew bago dinala sa kani-kanilang barangay.

Read more...