ALAM mo ba na may 1.7 bilyon katao sa mahigit 50 bansa sa buong mundo ang inatasan na manatili sa kanilang mga tahanan habang ang kani-kanilang pamahalaan ay lumalaban sa coronavirus pandemic, base sa tally na ginawa ng AFP.
Ilang bansa gaya ng Pilipinas ang nagpatupad ng mandatory lockdown habang ang iba naman ay nagrekomenda ng stay-at-home para hindi na kumalat pa ang coronavirus disease.
Sa India, may 700 milyon ang apektado ng lockdown.
May 34 bansa rin ang nagpatupad mandatory lockdown measures na binubuo naman ng may 700 milyon katao.
France, Italy, Argentina, the US state of California, Iraq and Rwanda ay ilan lang sa nagpatupad ng lockdown.
Ang Greece ang pinakahuling nag-impose ng mandatory confinement measures, na naging epektibo nito lang Lunes.