SA murang edad ng pinakabatang host ng Eat Bulaga, naiintindihan na ni Baeby Baste ang pinagdaraanang hirap ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa pamamagitan ng social media, ipinaabot ni Baeby Baste ang kanyang mensahe para sa lahat ng Dabarkads habang nakikipaglaban ang buong mundo sa COVID-19 crisis.
Kumanta muna ang bagets TV host saka pinaalalahanan ang publiko na maging disiplinado at magdasal para matapos na ang COVID-19 pandemic.
Aniya pa, mas makakatulong sa gobyerno kung patuloy na susundin ang mga kautusan ng DOH at makikipag-cooperate sa enhanced community quarantine.
“Please stay at home po and dapat niyo pong tandaan is mag-watch palagi ng news para alam niyo po anong gagawin niyo or whatever na good thing.
“And please po talaga, stay at home and pray lang po palagi and this too shall pass,” mensahe pa ni Baeby Baste.
Samantala, kagabi nagsagawa naman ang longest-running noontime show na Eat Bulaga ng rosary prayer para sa buong mundo.
Nag-Facebook Live ang Dabarkads para pangunahan ang pagdarasal na kanilang inialay sa lahat, lalo na sa mga frontliner na walang pagod na nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.