MAAARING gamitin sa paglaban ng gobyerno laban sa coronavirus disease 2019 ang mga pondo para sa mga proyekto at programa na maaaring ipagpaliban.
Nilinaw naman ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na hindi kakanselahin ang mga proyekto at programang ito kundi ipagpapaliban lamang ang implementasyon.
Ilan sa mga tinukoy ni Herrera ang:
+ Conservation and restoration of heritage school buildings na nagkakahalaga ng P1 bilyon at nalakagak sa Department of Education
+ ICT modernization program ng ilang state universities and colleges na nagkakahalaga ng P4 bilyon at nakalagak sa apat na SUCs.
+ Revised AFP modernization plan na nagkakahalaga ng P25 bilyon
+ Ecological solid waste management regulations na may P1.1 bilyon sa ilalim ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources at
+ Right of way payment sa ilalim ng Department of Public Works and Highways at Department of Transportation na nagkakahalaga ng P13.6 bilyon.
Mayroon ding P195,985,777,000 na nakalaan sa Special Purpose Fund (budgetary support to government) na hindi pa inilalabas ng Department of Budget and Management.
“We could redirect more than P200 billion from the 2020 General Appropriations Act to more important and more pressing projects and programs that are needed today,” ani Herrera. “The budget is a tool to combat the disease, avert hunger, and stop the mass bankruptcy of low income families.”