Unemployment insurance benefit pwedeng makuha sa SSS

MAAARI umanong kumuha ng one-time unemployment insurance benefit sa Social Security System ang mga matatanggal sa trabaho kaugnay ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel nakadepende ang halaga ng insurance payment sa average monthly salary credit ng isang empleyado.

“We would urge all qualified employees who are involuntarily separated from their jobs to get their unemployment insurance subsidy from the SSS,” ani Pimentel. “The financial aid may not be much, but it will help. And the benefit is a handout. It is not a loan. The laid off worker does not have to pay it back.”

Kung ang average monthly salary (AMSC) credit ng isang empleyado ay P20,000 ang kanyang insurance benefit ay P20,000 rin. Ang mga kuwalipikado ay ang mga miyembro ng SSS na naalis ng trabaho.

“All SSS members who get laid off, including overseas Filipino workers whose contracts have been cut short – such as those discharged by global cruise ship operators – are actually entitled to the unemployment insurance assistance,” dagdag pa ng solon.

Kuwalipikado na makatanggap ng insurance handout ang mga nakapag-ambag ng 36 na buwan kung saan ang 12 buwan nito ay nasa loob ng 18 buwan bago natanggap sa trabaho.

Ang involuntary separation ay nangangahulugan ng retrenchment o pagbabawas ng empleyado o pagsasara ng isang kompanya o negosyo.

Read more...