Kaso ng COVID-19 sa PH umakyat na sa 380; nasawi nasa 25

UMABOT na sa 380 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ng 73 bagong kaso, kung saan 25 naman ang nasawi at 15 ang nakarekober, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa isang panayam sa dzBB, sinabi ni Vergeire na inaasahan pang tumaaas ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 sa mga susunod na araw.

Kahapon, nasa 307 lamang ang kaso ng COVID-19, kasama ang 17 nasawi at 13 gumaling.

“Ang ating mga laboratoryo ay nag-iistabilize na ang capacity. Ibig sabihin nito ay nakakahabol na tayo sa backlogs before. Na-extend na natin ang kapasidad sa ibang laboratories,” sabi ni Vergeire.

Iginiiit naman ni Vergeire na artipisyal lamang ang malaking pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil na rin sa delay ng resulta ng mga pagsusuri.

Read more...