Karen Davila galit na galit sa politikong nagpa-COVID19 test sa bahay: Dapat sa inyo mabunyag!

NAKAKAGALIT.

Yan ang tweet ni Karen Davila patungkol sa mga pulitikong nagpapatest sa kanilang mga bahay kung sila ay positibo sa COVID-19.

“Nakakagalit. Tumigil na kayong mga pulitiko at staff ninyo na nagpapa-test pa sa bahay pa sa ating DOH surveillance team. Dapat lahat ng pangalan nyo mabunyag sa totoo lang.”

Ilang netizens din ang parehas ang sentimyento dito. Anila, dapat daw ilabas ang mga pangalan ng politikong ito.

Ayon sa guidlines ng Department of Health, kailangan ikaw ay may simptomas at may travel history sa lugar na may COVID-19 o close contact sa taong merong kumpirmadong sakit na COVID-19 bago ka payagan magpatest.

Sinabi rin ng DOH na hindi kailangan ng mass testing.

Kailan lang ay nakatanggap ng 100,000 testing kits ang Pilipinas sa China.

Read more...