Terrence Romeo pinakain health workers sa Veterans Memorial Medical Center

HINDI rin nagpahuli si PBA star Terence Romeo sa pagtulong sa mga health workers.

Nagbigay ang San Miguel Beerman ng 100 food packs para sa mga medical professional ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, ayon sa tweet ni Dr. Maxinne Dompor na isa sa mga attending physicians ng ospital.

May face masks at sanitizers ding ibinigay si Romeo.

“You are truly generous and a blessing in disguise. May God Bless you!!!!,” ang pasasalamat ng doktor sa basketball player.

Isa ang VMMC sa mga public hospitals na may naitalang kaso ng COVID-19 at karamihan sa mga pasyente ay retired veterans na mas madaling kapitan ng sakit.

Kailangan  pa ng pagamutan ng karagdagang personal protective equipment, alcohol, vitamin c, tissue paper at drinking water. Sa mga nais mag-donate, ipadala ito kay Dr. Angelo Kiat sa numerong 09175741902.

Read more...