Matinding upak ang inabot ni Mocha Uson when she lambasted Pasig City Mayor Vico Sotto’s panawagan na napayagan ang mga tricycle na pumasada para maghatid ng health workers sa Pasig.
“POSTED BY A DMIN BANAT BY…
“Eto yung sinasabi ko eh. Kaya ng ibang lugar bakit eto si Mayor Sotto pabebe? Bukas paguusapan natin ito. Papaliwanag ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto. Pero ang appeal ko sa DILG bakit parang kayo pa ang nakikiusap sa Mayor? Apply the LAW and be strict parang walang PANDEMIC ah.”
‘Yan ang post ni Mocha sa kanyang Facebook page na aria ng Banat By kay Mayor Vico na pinalagan ng mismong followers niya.
“At least he has initiatives. He is just doing his best as our Mayor, kahit risky pero iniisip lang nya yung ibang tao na needed ang transpo going hospital or any important locations.”
“Ikaw? Kelan ka titigil kakaputak mo na walang kakwenta kwenta? Sayang lang talaga pera ng taong bayan sayo. Sana tamaan ka ng CoVid hinayupak ka. Gigil mo ko.”
“Hayaan mo ng pabebe MOCHA USON. At least, he’s doing the best that he can to help the entire Pasig. How about you? Aside from showing off your excellent geographical prowess and spreading fake news, what else are you doing to alleviate your countrymen’s lives at this time of crisis? Sabi nga, okay lang maging pabebe, wag lang padede. Ayy!”
“I AGREE kay MAYOR VICO. Mas madali nga naman gawin ang social distancing sa tricycle. Just limit it to one passenger. Again the purpose is to transport patients and health workers na walang private vehicles.”
But nothing beats Ethel Booba’s reaction who said, “Okay na sa pabebe kesa sa pabobo. Social media distancing talaga kailangan nila. Charot!”
But after a few hours, tila naghugas-kamay din si Mocha matapos ma-bash nang todo, “FYI, Mocha Uson FB page is now composed of different bloggers and admins. We practice free speech though we differ in opinions on different matters.
“So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin. I hope it clears everything.”