Heart: Ayoko na! Kayo na lang ang mag-away-away!

HEART EVANGELISTA

HEART Evangelista was exasperated over the bashing she got when she posted a photo ng isang cancer patient na naglakad from Antipolo to Philippine General Hospital.

Sinaluduhan ni Heart ang ginawang iyon ng cancer patient pero hindi iyon nagustuhan ng bashers.

She tweeted, “Ayoko na, Twitter. Kayo kayo na lang mag away. Tumulong na lang tayong lahat. Being toxic will not help. Good bye na lang. Di ko na kaya.”

Kahit hindi naman kailangan ay nag-apologize siya and she deleted her post, “You may not see my heart and that’s ok so I just wanna say I am truly sorry if I offended you.”

“I deleted all my previous tweets. I understand the hate . I should have elaborated my sentiments more . I am sorry. So sorry,” dagdag pa niya.
Ipinagtanggol naman siya ng fans and said na huwag nang pansinin ang haters at ituloy na lang ang pagtulong. Hayaan na lang daw na karma ang gumanti for her.

Read more...