ISANG soap opera. Isang pelikulang under negotiation pa. May offer din mula sa ibang network.
Ilan lang ito to look forward to ngayong ang mismong manager ni Claudine Barretto ang nagbalita tungkol sa aabangang pagbabalik ng aktres anytime this year.
Claudine is being co-managed by Bianca Lapus and Star Magic.
Matatandaang it was around this time last year (April to be exact) noong kumpirmahin mismo ni Claudine sa Tonight with Boy Abunda that plans were under way para sa reunion movie nila ni Piolo Pascual.
Claudine and Piolo last teamed up in Cathy Garcia Molina’s “Milan” in 2004. Sa pelikulang ito nagkamit ng Best Actress award si Claudine sa FAMAS at Luna Awards.
Balitang sa Florence, Italy naman ang location, either June or July ang start ng shoot or target completion date.
For some reason, it fizzled out hanggang muling nag-hibernate ang aktres. Ang dapat sana’y reunion movie nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez under Viva Films after the latter’s release from jail ay na-shelve din.
Either project would have boosted Claudine’s career anew.
Kelan pa ba kasi siya huling napanood either on TV or on the wide screen?
Kung sa higanteng telon, she was last seen in Star Cinema’s “Etiquette For Mistresses” in 2015 with Kris Aquino, Kim Chiu and Iza Calzado (na floppey pa!). On TV, huli siyang nakita sa Viva TV-produced teleserye na Bakit Manipis ang Ulap with Diether Ocampo and Cesar Montano at tuluyan nang naglaho sa makapal na ulap ang career niya.
But Bianca comes in with the good news na definite na raw ang comeback ni Claudine this year. More than the lined up projects, mas nakatuon ang kanilang concern on how to get Claudine back in shape.
Malusog pa rin daw ang aktres, bagay na mahirap nga naman hanapan ng angkop na bida role maliban na lang kung masyuba ang central character.
It’s about time Claudine returned to showbiz. And the sooner, the better.
‘Yun ay para makorek na rin ang ilang ‘di kagandahang working habits niya na madalas paksain sa mga blind item, pero tukoy na tukoy naman.
Idagdag din ang pangungumusta sa relasyon nilang magkakapatid sa ngayon buhat nang yumao ang patriarch ng pamilya Barretto.
May tsansa pa kayang maibalik sa dati ang sibling closeness nila ni Marjorie? Kumusta rin ang pakikitungo niya kay Julia, Marjorie’s daughter na nagsilbing collateral damage?
Also, taong 2009 noong umalis siya sa ABS-CBN only to seek refuge sa GMA the following year. Taong 2016 naman noong lumundag siya sa TV5, paano niya ia-assure ang publiko that she won’t jump ship anymore kapag tuluyan na siyang nakabalik this year?