Coney pinalaki si Vico na may takot kay Lord

VICO SOTTO

Pinalaki ni Coney Reyes sa disiplina at pagiging God-fearing ang mga anak niya kabilang si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa lahat ng Metro Manila Mayors na abala sa gitna ng coronavirus disease sa bansa, namumukod tangi si Mayor Vico dahil sa mabilis niyang aksyon sa pagtulong sa Pasigueños at pagpuksa sa virus.

Sa lahat ng mga papuri na tinatanggap ng anak, siguradong proud na proud ngayon ang inang si Coney. Sa katunayan, puro magagandang komento rin ang ibinibigay sa kanya ng netizens.

Sa isang panayam, sinabi ni Coney na hindi siya nakikialam sa mga diskarte at desisyon ni Vico pagdating sa pamumuno sa Pasig. Pero aniya, medyo istrikto nga siyang nanay kaya lumaking disiplinado ang mga anak.

“If my children were younger, I was really much stricter. Now, I do not interfere because I just believe that I raised them in the ways of the Lord,” pahayag ng veteran actress.

Sey nga ng netizens, swak na swak ang character ni Coney sa Kapuso series niyang Love of My Life na istrikta at disciplinarian din na nanay.

Anyway, simula sa Lunes, hindi muna mapapanood ang Love of My Life sa GMA Telebabad. Papalitan ito ng hit series ng Kapuso network na My Husband’s Lover. Pinatigil na kasi ang taping ng lahat ng programa bilang tugon na rin sa enhanced community quarantine sa bansa.
Samantala, proud na proud din kay Vico ang kapatid niya sa ina na si LA Mumar. Sa kanyang Instagram, ibinandera niya ang pagsuporta sa ginagawang aksyon ng kapatid sa Pasig para labanan ang COVID-19.

“I rarely post anything political but please heed the Mayor’s Call. Im not blaming anyone in government, just hoping we can adjust some policies to help our countrymen.

“God is good and He is in control. Lets continue to pray for our leaders, bashing and blaming wont help our nation,” sabi pa ni LA

Read more...