Special session pinaplantsa na

PINAPLANTSA na ng mga kongresista ang pagsasagawa ng special session upang makapagpasa ng budget na gagamitin para labanan ang coronavirus disease 2019.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano bukod sa dagdag na budget maaari ring magpasa ng batas ang Kongreso upang mapabilis ang paggamit sa pondo ng gobyerno upang matulungan ang mga nangangailangan.

“We have started discussions with our colleagues in Congress and the Executive on how to operationalize short and medium term economic programs, and reduce bureaucratic procedures to help those who are going to be adversely affected by COVID-19,” ani Cayetano.

Sinabi naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na pinag-uusapan na kung papaano isasagawa ang sesyon. “Plans, including observing social distancing amid quarantine are being finalized to guarantee the safety of our House employees, officials, media, and lawmakers attending the special session.”

Ayon naman kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., pangulo ng National Unity Party, maaaring luwagan ang rules sa pagkakataong ito dahil hindi lahat ng kongresista ay maaaring makapunta sa plenaryo.

“The interest of the nation is paramount. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo,” ani Barzaga. “I suggest that voting can be done through short messaging system or text. Papaano mo naman papupuntahin physically sa House of Representatives ang members na nasa mga probinsiyang malalayo, iyung nasa Bicol, Visayas, at Mindanao.”

Sinabi naman ni Rizal Rep. Fidel Nograles na maaaring magsagawa ng virtual session gamit ang kasalukuyang teknolohiya.

“I’m sure we can work through a virtual session that the public can also access through social media, among others,” ani Nograles. “Ang mahalaga, makapagpulong kami sa lalong madaling oras. Hindi lang ito usapin ng dagdag na budget. Kailangan din na magkaroon pa ng dagdag na mekanismo para matulungan ang mga mahihirap na limitado ang kakayanan na harapin ang panganib na dala ng sakit na ito.”

Read more...