Catanduanes niyanig ng magnitude 5.0 lindol

NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Catanduanes kahapon ng umaga.

Alas-4:08 ng umaga ng maramdaman ang lindol ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ang epicenter ng lindol ay 75 kilometro sa kanluran ng Pandacan. May lalim itong 18 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Jose Panganiban at Paracale, Camarines Norte; Bula, Iriga City at Pili, Camarines Sur.

Intensity I naman sa Mauban, Quezon.

Read more...