Kaso ng COVID-19 sa PH umabot na sa 217

UMABOT na sa 217 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng 15 bagong kaso Huwebes ng hapon.

Samantala, isa pang pasyente ng COVID-19 ang nakarekober, dahilan para umabot na sa walo ang bilang ng mga gumaling.

Ang nakarekober ay ang patient (PH20), isang Pinoy na lalaki na mula sa  Cavite at na-confine sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) noong Marso 7.

Nagbiyahe siya sa Japen. Dalawang beses nang nagnegatibo sa virus bago siya ilabas ng hospital.

Read more...