“AYOKO nang mag-isa!” Yan ang hugot ni KC Concepcion patungkol sa kanyang lovelife habang pinaiiral ang enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19.
Mukhang tumitindi nga ang epekto ng coronavirus disease pandemic sa singer-actress lalo pa’t mag-isa lang siya ngayon sa kanyang bahay.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni KC ang palitan nila ng mensahe ng personal assistant kasabay ng kanyang hugot sa pagiging single.
“Dear God after this pandemic promise ko sa iyo I will seriously consider marriage na. Ayoko na mag-isa.
“And thank you din God na may nahanap si Puff (my P.A.) na mag-aalaga sa kanya, dream ko ‘yon for her. Me naman next !!Lord ha?” ani KC sa caption ng IG post.
Samantala, pinalakas naman ng anak ni Megastar Sharon Cuneta ang mga Pinoy sa pinagdaraanan ngayon ng buong mundo dulot ng COVID-19.
Aniya, “You can find comfort through all this hell we’re going through.
“The world outside is an uncomfortable place right now, but let’s stay stuck for a bit and see what God is doing here… Grow your faith, no matter where you are. Faith over fear, no?” mensahe pa ni KC.
Ang huling boyfriend ni KC ay ang French businessman na si Pierre Plassart. Last year lang sila naghiwalay at walang ibinigay na rason ang dalaga kung bakit sila nag-break.
Kamakailan naman ay kumalat ang balita na nagkakamabutihan daw sila ng international artist na si Apl.de.Ap ngunit mukhang wala nga itong katotohanan kung ang pagbabasehan ay ang hugot ni KC sa pagiging single.