Celtics guard Marcus Smart, 2 players ng Lakers nagpositibo sa coronavirus

NADAGDAGAN na naman ang mga players ng National Basketball Association (NBA) na nagpositibo sa coronavirus.

Ito ay matapos iulat ng Boston Celtics at Los Angeles Lakers na mayroon silang mga manlalaro na positibo sa coronavirus matapos ang pagsusuri.

Kinumpirma naman ni Celtics guard Marcus Smart na siya ang nagpositibo sa koponan.

Dalawang manlalaro ng Lakers ang positibo sa coronavirus bagamat hindi pinangalanan ng koponan ang mga ito.

Maliban kay Smart ang iba pang NBA players na kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus ay sina Brooklyn Nets forward Kevin Durant, Rudy Gobert at Donovon Mitchell ng Utah Jazz at Christian Wood ng Detroit Pistons.

Read more...