Bawas presyo ng text, tawag kailangan -solon

NANAWAGAN ang isang solon sa Globe Telecom at PLDT-Smart na bawasan ang singil nito sa text at tawag ngayong nasa enhance community quarantine ang Luzon.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kahit na ang data at broadband internet use ay dapat bawasan din ang presyo ngayon bilang tulong sa mga empleyado na hindi nakapagtatrabaho.

“That is really the social distancing means of communication now, with the movement of people being restricted to prevent this deadly coronavirus disease from spreading,” ani Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na dahil hindi makabiyahe, marami ang umaasa na lamang sa text, tawag at internet upang makumusta ang kanilang mga kapamilya na nakatira malayo sa kanilang bahay.

Ang pagbabawas umano sa singil ay maituturing na “extra corporate social responsibilities at this time of public health emergency” ng mga telecommunication companies.

Sinabi ni Rodriguez na hindi gaya ng ibang industriya, halos walang epekto sa kita ng mga telecommunication companies ang quarantine.

Read more...