Pinoy celebs kanya-kanyang diskarte para ma-enjoy ang ‘COVID-19 quarantine’

ILANG linggo pa tatagal ang enhanced community quarantine sa buong rehiyon ng Luzon bilang bahagi ng paglaban ng bansa sa patuloy na pagkalat ng coronovirus disease o COVID-19.

At dahil matatagalan pa ang pagbabalik sa trabaho ng mga Pinoy, kanya-kanyang diskarte ang Team Bahay kung paano gagawing makabuluhan ang pananatili sa tahanan sa darating pang mga araw.
May ilang celebrities ang nagbigay ng tips para makaiwas sa COVID-19 at meron namang nagpayo kung paano gagawing memorable at fun ang bawat araw sa loob ng bahay kasama ang pamilya.

Nagbahagi ng kaalaman kung paano maiiwasan ang paglaganap ng COVID-19 ang “Legal Wives” star ng GMA 7 na si Alice Dixson sa kanyang social media. Aniya, kailangang maging malinis lagi ang katawan pati na ang kapaligiran para makaiwas sa anumang uri ng virus.

Samantala, sa pag-e-exercise naman ginugol ng co-star ni Alice sa serye na si Megan Young ang first few days ng community quarantine kasama ang kanyang asawang si Mikael Daez.

Bilang bahagi ng pag-iingat dahil nagdadalang-tao rin ang asawa na si Max Collins, naisipan ni “First Yaya” actor Pancho Magno na sa paglilinis na lang ng kanilang tahanan gamitin ang kanyang oras.
Hindi man makalabas ay nakahanap pa rin ng paraan ang “Unang Hirit” hosts and couple na sina Joyce Pring at Juancho Trivino upang makapagsimba sa pamamagitan ng online streaming.
Naaliw naman ang netizens kay “The Boobay and Tekla Show” host Boobay kasama ang kaibigan nitong si Ate Gay nang i-recreate nila ang ilang classic Filipino films sa kanilang social media accounts.

Samantala, nakagawa naman ng online trend ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista kung saan dine-decorate ng mga netizens ang kanilang face masks ng mga sosyal na decorations gaya ng branded ribbon at gem stones matapos mag-post si Heart ng kanyang face mask na may tatak na mamahaling brand.

Bukod sa paghihikayat sa mga netizens na mag-face mask, pinili rin ni Heart na mag-relax at magpahinga na lang sa bahay kasama ang kanyang mga alagang aso. LDR o long distance relationship muna ang status nila ng asawang si Chiz Escudero.
* * *
Samantala, todo bonding naman ngayon ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez sa bahay ng TV host-comedian habang naka-lockdown ang Metro Manila.

Sa isang video na ipinost ni Vice sa Instagram makikita siyang nagwo-workout sa treadmill na naka-high heels. May post din ang komedyante na umaakyat sa bubungan nila para mamitas ng manggang hilaw at dito nga maririnig si Ion (na siyang kumukuha ng video) na nagsasalita at nag-dialogue pa ng, “Ingat ka, Babe.”
Ang pagdidilig at pag-aalaga naman ng halaman ang pinagkakaabalahan ngayon ni KC Concepcion base sa kanyang post. Aniya, “Water some plants, anyone?

“Yaaaay first time ko magdilig ng halaman ulit since I was 8 years old My grandma taught me how to water plants with a hose. Kulang nalang dito DASTER eh complete na sana ang eksena!!! Hahaha lahat ng Pinoy makaka-relate!!!”

Nagpaka-busy naman ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa pagtuturo sa kanilang mga anak: Social Studies para kay Yohan, Hekasi (Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika) naman ang kay Lucho at alphabet para sa bunsong si Luna.

Read more...