COVID-19 tips ni Jennylyn wagi; ‘social distancing’ sa DOTS iniyakan

JENNYLYN MERCADO

NADADALA na rin ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado hanggang sa labas ng taping ang kanyang character sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama series na Descendants of the Sun.

Sa ipinost kasing Instagram photo ni Jennylyn kung saan nakasuot siya ng pang-doktor mula sa kanyang role sa DOTSPH na si Dra. Maxine dela Cruz, pinaalalahanan ng Kapuso actress ang lahat na ugaliing maghugas ng kamay at sundin ang social distancing sa panahon ng COVID-19 outbreak.

Ang nakakaaliw na caption ni Jen sa video, “Makuha ka sa tingin! Wash your hands and practice social distancing! – Dra. Maxine.” Naging epektibo naman ito dahil maraming netizens ang nag-comment na susundin nila ang payo ng aktres.

Samantala, mukhang magpa-practice rin ng social distancing ang mga karakter nina Jennylyn at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes (Capt. Lucas Manalo) sa Descendants of the Sun dahil pipiliin ng huli na maghiwalay na lang para sa ikabubuti ng lahat.

Ganoon din ang mga karakter nina Rocco Nacino (Tsg. Diego Ramos) at Jasmine Curtis (Cpt. Moira Defensor) dahil nagbalik na nga ang ama ni Moira na si BGen. Carlos Defensor (Ricardo Cepeda) na tutol sa relasyon ng dalawa.

Samantala, napanood na kagabi ang isa pang iconic scene ng DOTS — ang killer earthquake kung saan muling magkakalapit ang mga pusong nagkalayo.

Read more...