Barbie nanawagan sa kabataan: Wag n’yo nang hintayin na mag-positive kayo

PINAALALAHANAN ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang kapwa niya kabataan na sundin nang buong puso at isipan ang “enhanced community quarantine.”

“Kung feeling ninyo mga bagets kayo at hindi din naman kayo mahahawa dahil malakas ang resistensiya n’yo at mabilis naman kayong gagagaling; ang sa ‘kin, pa’no ‘yung mga magulang n’yo na nasa bahay na mas matanda na kumpara sa inyo mas mahina ang immune system?”

“Puwede kang maging carrier ng virus without showing any symptoms. Ang isa sa mga senador natin, tested positive for COVID-19 without showing any symptoms.

“So ‘wag n’yo na pong intayin na magpakita pa ng symptoms bago kayo mag-stay sa bahay. As soon as possible, keep yourselves safe, keep yourselves healthy.”

Read more...