KOREAN word of the day: “Mo-reu-get-da” — sa Ingles ito’y “I don’t know” at sa atin naman ay “Bahala na.”
* * *
Muling mapapanood ang magaling na aktres na si Nam Ji Hyun sa upcoming mystery na “365: Repeat the Year” ngayong Marso.
Sinasabing magkakaroon ng shocking transformation si Ji Hyun mula sa kanyang dating mga role.
Ito’y kuwento ng 10 tao na nagkaroon ng pagkakataong mag-time travel sa past. Noong una ay pag-asa ang dala nito sa kanila dahil sa pagkakataong maiayos nila ang kanilang buhay. Ang hindi nila alam, puro problema ang hatid nito sa pagbabalik nila sa nakaraan.
Gagampanan ni Ji Hyun ang karakter ni Shi Ga Hyun, isang webtoon artist na perfectionist at workaholic. Nang dahil sa isang aksidente, nag-iba ang kanyang buhay. Hanggang sa aluking mag-time travel.
Makakasama niya rito si Lee Joon Hyuk na gaganap naman bilang isang detective.
Nakilala si Ji Hyun sa “Shopping King Louie,” “Suspicious Partner,” at marami pang iba.