SA wakas, nagkaayos na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion matapos magkaroon ng tampuhan na naging usap-usapan sa mundo ng showbiz.
Mismong si Mega ang nagsabi na may pinagdaraanan silang mag-ina ilang buwan na ang nakararaan at totoong may tampo siya sa anak dahil nga tila nawawalan na ng panahon sa kanya si KC.
Noong Bagong Taon at birthday niya last January ay hindi man lang sila nagkita ng dalaga at wala raw siyang idea kung nasaan ito nu’ng mga panahong yun.
Kamakailan ay nagpahinga muna ang actress-singer sa social media pero hindi niya sinabi kung ano ang dahilan. Pero last week lang ay muling nagparamdam si Sharon sa Instagram.
Nitong Lunes lang, nag-post sa IG si Shawie para i-promote ang bagong YouTube channel ni KC na may caption na, “Baby#1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her.”
At para patunayan na okay na sila uli ng anak, gumamit si Mega ng mga hashtag na #stillmybabynomatterwhat, #unconditionally, #iloveyounowandforever at #onlyonemomsyforever.
Nag-thank you naman si KC kay Mega, “Thank you, Mama. [rose emoji].” Na sinagot ni Sharon ng, “@itskcconcepcion You are welcome. I love you no matter what. That will never change.”
Nauna rito, nag-post si KC ng kanyang litrato sa IG na kuha bago siya bumalik ng Maynila mula sa Boracay. May isang netizen na nam-bash sa kanya at sinagot niya ng, “Huh? I’m sorry but my parents instructed me to stay home. Which is the bottom line for us all right now.”