Nasawi dahil sa COVID-19 umabot na sa 14 matapos madagdagan ng 2
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na dalawa pang pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) ang nasawi, dahilan para umabot na sa 14 ang mga namatay sa virus.
Sinabi ng DOH na namatay si PH126, isang 76- anyos na Pinoy sa Adventist Medical Center sa Maynila matapos magpositibo sa virus noong Marso 15.
Namatay din si PH129, isang 67-anyos na namatay sa Lung Center of the Philippines matapos magpositibo noong Marso 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending