Ellen Adarna sasailalim sa 14-day quarantine: The corona effect!

ELLEN ADARNA

TULAD ng iba pang Filipino na bumalik sa bansa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, sasailalim din sa 14-day quarantine si Ellen Adarna.

Nanggaling ang dating sexy star sa  Bali, Indonesia kung saan  sumailalim siya sa 14-day retreat sa isang wellness center bilang bahagi ng gamutan sa kanyang depresyon.

Lahat ng pasaherong dumarating sa Pilipinas mula sa labas ng bansa ay kailangang ma-quarantine ng 14 days bago tuluyang papasukin sa Metro Manila kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

Ayon sa inilabas na guidelines ng Malacañang at ng inter-agency task force ng gobyerno sa mga taong pumapasok sa Pilipinas mula sa ibang bansa, “Inbound international passengers, in transit upon effectivity of the Enhanced Community Quarantine, shall be allowed entry, subject to applicable quarantine procedures if coming from countries with existing travel restrictions imposed by the IATF (Inter-Angecy Task Force).”

Kaninang umaga, nag-post si Ellen sa Instagram Story ng kanyang photo habang nasa eroplano at nakasuot ng face mask.

Caption niya sa kanyang post, “Happy ill be home soon..but not really happy to be to be quarantined and away from my family for another 14 days. So close yet so far…”

Isang video rin ang ibinahagi ni Ellen sa IG kung saan makikita ang loob ng eroplano at airport na halos walang tao na siyang epekto ng COVID-19 pandemic.

Aniya sa caption, “THE CORONA EFFECT.”

Bukod dito, makikita rin sa isa pang video ang dating karelasyon ni John Lloyd Cruz sa Changi Airport sa Singapore kung saan siya sumakay pauwi ng Manila. Ipinakita rin niya ang terminal na wala rin halos tao sa escalator. May caption itong, “SOCIAL DISTANCING.”

Read more...