HINDI man diretsong inamin ni Julia Barretto, maligaya nga ang puso niya ngayon dahil sa taong nagbibigay-kulay sa kanyang buhay.
Kinumpirma ito ng dalaga pero nakiusap na ibalato muna ito sa kanya dahil mas nais niyang gawing pribado ang lovelife at para iwas intriga na rin.
Sa guesting niya sa Magandang Buhay kamakailan bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, ipinaliwanag ni Julia ang ipinost niya sa Instagram kung saan nabanggit nga niya ang isang “loved one”.
Sa interview sa kanya ng programa ibinahagi muna ng aktres ang mga natutunan niya sa mga pinagdaanang kontrobersiya at iskandalo last year, kabilang riyan ang pagkaka-link sa kanila ni Gerald Anderson at ang gulo sa pamilya Barretto.
“Alam naman nating lahat na bawat kibot kembot ko palaging may nasasabi ang mga tao. I think now, I’m freeing myself; I’m free to say whatever I wanna say.
“I’m free to feel whatever I wanna feel. I’m free to act upon anything. And most importantly I am free to love, anyone whom I love, and anyone who makes me happy,” pahayag ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.
At nang tinanong na nga kung may lalaking nagpapasaya ngayon sa kanya, sandaling natahimik ang dalaga sabay tawa.
“Siguro kasi sa trabaho natin, very open book na tayo e. Lahat alam na tungkol sa atin e. Kahit sa mga oras na ito, i-enjoy ko na akin lang ‘to, ako lang yung nakakaalam nito, so pino-protektahan ko pa siya,” pakiusap ng dalaga.
Kung matatandaan, nag-post sa IG ng birthday photos si Julia na may caption na, “A dinner for 10, my family and a loved one.” Dito na nagsimula ang usap-usapan sa social media na baka ibandera na niya sa madlang pipol ang identity ng kanyang bagong boyfriend.
Samantala, nagbiro naman si Julia na sa edad na 23, gusto na sana niyang magkaroon ng sariling pamilya. Sey ni Karla, mahilig daw kasi talaga sa bata ang aktres at super family-oriented.
Pero sey ng dalaga, sa ngayon nais niyang mag-focus sa pagtatrabahoz lalo na this year na ang daming bagong opportunities na dumarating. Ito’y bilang paghahanda na rin sa kanyang future family.
“At 23, gusto ko lang talaga mag-work this year. Para kapag in the future mag-decide ako na magka-family na, ready na ako, comfortable na yung life ko,” aniya pa.
Habang kanselado ang pagpapalabas ng mga primetime series ng ABS-CBN dahil sa COVID-19, mapapanood muna ang “I Am U” digital series nina Julia at Tony Labrusca bilang kapalit ng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson.