NABUHAYAN ng loob at kahit paano’y kumalma ang mga empleyado at contract artists ng ABS-CBN matapos maglabas ng announcement ang network tungkol sa community quarantine sa buong Luzon.
Isa ang host ng Magandang Buhay na si Melai sa mga Kapamilya stars na nagpasalamat sa ABS-CBN nang maglabas ito ng mensahe na babayaran pa rin ang mga empleyado kahit na suspended ang kanilang show dahil sa COVID-19 kabilang na riyan ang on-cam talents at managers.
Ni-repost ni Melai sa Instagram ang announcement ng ABS-CBN, “ABS-CBN, bibigyan ng suweldo ang mga manggagawa kabilang na ang mga artista at managers habang walang trabaho dahil sa COVID-19.”
Caption naman ng TV host-comedienne, “Yes totoo. Thank you Kapamilya network, my company, dahil sa mabilisang aksyon sa COVID-19 at ‘di rin kami pinapabayaan mga trabahante.”