Maine napa-sana all sa ‘lockdown’ post ni Oyo

MAINE MENDOZA

PINUSUAN ng maraming netizens ang “lockdown” paandar ng Kapuso actor na si Oyo Sotto sa social media.

Ilang celebrities ang napa-wow sa ipinost ni Oyo sa Instagram kaugnay ng pananatili niya sa bahay habang nasa community quarantine ang Metro Manila dahil sa COVID-19.

Para sa anak ni Bossing Vic Sotto, wala problema kung “ma-lockdown” man siya sa bahay habang hinihintay ang pagbabalik sa trabaho.

Ipinost kasi ni Oyo ang litrato ng asawang si Kristine Hermosa sa IG kung saan makikita ang mala-dyosa pa ring itsura ng aktres. Ilan na kasi ang kanilang anak pero parang dalaga pa rin si Tin.

Kaya naman sey ni Oyo, okay lang ma-lockdown basta’t kasama ang napakagandang misis. Nag-reply naman ang aktres ng laughing emoji sa viral post ng asawa.

Libu-libong likes at comments na ang nahamig ng IG post ni Oyo at isa nga sa pinakilig ng mag-asawa ay ang co-star ng aktor sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl, si Maine Mendoza.

Napa-“sana all” talaga ang Dubsmash Queen sa sweet post ni Oyo.
* * *

Read more...