KUNG saan niya dinadala ang kanyang kinikita ay walang nakakaalam kundi siya lang. Kung anu-ano ang pinupuntahan ng kanyang talent fee ay tanging ang pamosong babaeng personalidad lang ang makasasagot.
Pero ‘yun ang pinagpistahang paksa isang gabi ng magkakaibigang taga-showbiz na karamihan ay nakatrabaho na ng female personality.
Lahat ay naghuhulaan, bakit nga ba palagi siyang kinakapos, bakit marami siyang tinatawagang kaibigan-kasamahan para tugunan ang kanyang matinding pangangailangan?
Kuwento ng isang source, “Ewan kung saan niya dinadala ang malaki-laki pa rin namang talent fee na tinatanggap niya. Sabihin na nating tatlong beses sa isang linggo ang taping niya, aba, malaki ang kuwenta nu’n!
“Halos kalahating milyon pa rin ang sinusuweldo niya in one week, di ba, dahil malaki rin ang suweldo niya per taping day!
“Pero bakit siya palaging kinakapos? Bakit hindi niya napagkakasya sa isang linggo ang talent fee niya na kaliwaan pa nga?
“Saan niya dinadala ang malaking amount na ‘yun? Aba, halos two million a month ang tinatanggap niyang talent fee, pero kinakapos pa rin siya?” nagtatakang tanong ng unang source sa umpukan.
Isa lang ang naiisip na dahilan ng mga taong may alam tungkol sa personal na buhay ng aktres, ang karelasyon niya, na wala namang trabaho at umaasa lang sa kanya.
Sabi naman ng isa pang source, “‘Yun lang naman talagang taong ‘yun ang maiisip ng kahit sino, di ba? May iba pa ba siyang kasama, e, wala naman!
“Kung bakit kasi hindi niya mahiwa-hiwalayan ang taong ‘yun! Ano ba ang meron ang lalaking ‘yun na hindi niya maialis sa buhay niya?
“Sa totoo lang, kapag pinaglabanan niya ang nararamdaman niya, e, napakalaking ginhawa niya sa buhay! Wala na siyang bubuhayin, wala na siyang pagkakagastusan, magiging maayos pa ang relasyon nila ng mga anak niya na kontrang-kontra sa lalaking ‘yun!” pagtatapos ng impormanteng nakataas ang magkabilang kilay.
Wala nang kailangang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo na ang mga karakter sa kuwentong ito!