‘Quarantine’ hugot ni Lea pinalagan ng direktor; anti-poor nga ba?

Isa si Lea Salonga sa mga binabatikos ngayon dahil sa kanyang comment sa lahat ng mga nagrereklamo sa ipinatutupad ngayong community quarantine bunsod ng coronavirus disease.

Pahayag ni Lea sa kanyang IG post,
“To those who are complaining about the quarantine period and crufews, just remember that your grandparents were called to war; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.”
Maraming na-offend at umalma sa hugot ng singer-actress. Mayaman daw kasi siya kaya hindi niya alam ang sentimyento ng mga mahihirap lalo na yung mga “no work, no pay” na mga trabahador.
Isa sa matapang na naglabas ng reaksyon laban sa sinabi ni Lea ay ang TV and movie direktor na si Jay Altarejos. Ipinost si Direk Jay sa Facebook ang screenshot ng Instagram message ni Lea.

Pagkontra niya kay Lea, “Sabagay kung ang exposure mo nga naman sa kalagayan ng buhay ay MS SAIGON…

“Tangama, yung mga maralita ba may Netflix, may mga hi-nord na pagkain? Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.”

Maraming pumanig kay Direk Jay at nagsabing napaka-insensitive raw ng statement ni Lea. Hindi raw kasi niya naranasan ang maging mahirap kaya napakadali lang niyang magkomento tungkol sa lockdown.

Read more...