Ai Ai binatikos sa ‘alkohol’ post: Wag n’yo ko murahin, nagbebenta lang ako!

KINUYOG ng ilang bashers ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas matapos siyang mag-post ng kahun-kahong alcohol at hand sanitizer sa kanyang social media account.

Kung anu-anong akusasyon ang ibinato nila sa Kapuso comedienne kabilang na ang paghu-hoard umano ng alcohol at sanitizer sa panahon ng krisis sa bansa dulot ng coronavirus disease o COVID-19. 

Sa kanyang Instagram account, tinalakan ni Ai Ai ang lahat ng mga nangnenega sa kanya at minura rin niya ang lahat ng nagmura sa kanya.

“AI M ready (smiling face with sunglasses emoji) sa mga nag co comments na insensitive ako wala ba kayong positive na mai comment may ncov na o magbago na kayo.

“Kaya ako nag post kasi matagal ng orders yan pinapaalam ko lang na dumating na.

“UMAYOS NGA KAYO AT LUMAYAS KAYO SA IG KO!!!! atsaka Wag nyo ko mumurahin INA NYO RIN NAGBEBENTA LANG AKO !!!!!

“(ATSAKA ENDORSER AKO NG RICH SKIN CARE SILA NAG BEBENTA NYAN GINAWA AKONG SELLER NG MAY ARI),” matapang na resbak ng komedyana sa kanyang haters.

Hindi rin nakapagpigil ang anak niyang si Sophia at tinarayan din ang basher, “Since there are people who are hoarding alcohol to sell them for higher price, my mom wanted to help those who need it badly. Namakyaw agad, teh?”

Binalikan din ng komedyana ang isa niyang follower na nagkomento ng, “Bakit bigla@kang nagtinda ng alcohol Aiai? Sana ang mga clients mo yung badly needed talaga nila like hospitals .kahon kahon yan ah ibig sabihin namakyaw ka din? Naisip ko lang.”

Sagot ni Ai Ai, “Kailangan ko bang i explain sa inyo sino client ko??? Yung iba simbahan yung iba tindahan.. o tapos???”

Nag-sorry naman agad ang netizen sa kanya, “OK Sorry for my comment ! Nagulat lang ako kc nagkakaubusan ng alcohol tapos bigla ko nakita na may tinda ka .Wag ka ng ma stress. Sorry again ! God Bless (praying hands emoji) Bati na tayo !”

May isa pang nagsabi na, “Your post is likely insensitive to some who can’t even buy even a bottle due to some hoarding disorder in many places.

 “Alam ko naman na mabait at malaki ang puso mo hopefully these stocks of alcohol goes around to places where it can help many of our kababayans pa. God bless us all!”

Ito naman ang reply ni Ai Ai, “Order po kasi yan matagal na nila iniintay? Bakit insensitive d ba nakalagay ready for clients baka kasi akala nila scam ako .. umorder ka saken para d ako insensitive .. insensitive agad.”

Read more...