Milyong face masks sa Bataan hindi maibenta sa mga Pinoy

MAYROON umanong pabrika ng face mask sa Bataan na kayang isuplay ang pangangailangan ng bansa upang malabanan ang coronavirus disease 2019.

Ang problema, ayon kay House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda, saklaw ang Medtecs International Corp Ltd., ng 70 percent export rule kaya hindi nito maaaring ibenta ang lahat ng kanilang ginagawa sa bansa.

Ang Medtecs ay isang Taiwanese enterprise locator sa Bataan Freeport Zone.

“Kaya umano nitong makagawa ng 5 milyong facemask kada buwan.

“Right now, they are subject to the 70% export rule wherein they will lose their incentives if they supply more than 30% to the domestic market,” ani Salceda.

Sinabi ni Salceda na maaaring baguhin ng governing board ng ecozone ang polisiyang ito ngayon na nangangailangan ang bansa ng maraming facemask.

“An exporter falls to the domestic enterprise classification only when it continually fails to export at least 70% of its production output for a period of three years without any justifiable reason. Clearly, supplying the domestic need for facemasks during a health emergency need is a justifiable reason,” ani Salceda.

Nanawagan si Salceda sa Freeport management ng Bataan na paluwagin ang kanilang polisiya sa Medtechs ngayon.

Read more...