DALAWANG tao ang nasawi at dalawa pa ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Quezon, Linggo ng gabi.
Dead on arrival sa ospital ang construction worker na si Carlo Corpuz, 29, matapos mahagip ng bubong ng kasalubong niyang tricycle sa Brgy. Dinahican, Infanta, alas-8:10, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Sinabi sa pulisya ng driver na si Rosendo Orticio Jr., 65, na minamaneho niyaa ang tricycle pauwi ay di niya napansin si Corpuz na nananakbo patungo sa kanyang direksyon.
Dinala na ang driver sa lokal na istasyon ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon.
Sa bayan ng San Francisco, isang babae ang nasawi at dalawa sugatan ang dalawang lalaki niyang kasama nang magsalpukan ang mga motorsiklong dala ng dalawang menor de edad, dakong alas-6.
Dead on arrival sa ospital si Joy Mapa, nasa ligal na edad; habang nagtamo ng pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan ang mga kasama niyang sina Rommel Rezul, 16, at Baby Chel Garbo, 23.
Nag-overtake umano motor na dala ng isang 17-anyos na binatilyo, nang mahagip ang motorsiklo na dala ni Rezul.
Dinala ang 17-anyos sa lokal na istasyon na pulisya at pagdaka’y nilipat sa Municipal Social Welfare and Development Office.