Kilalang hunk actor user daw kaya iniwan ng dyowa; sinisi ang pamilya

MAY chika ang ilang impormante tungkol sa isang hunk actor na palaging napapabalitang user. Ganu’n ang kuwento tuwing makikipaghiwalay siya sa kanyang mga nagiging karelasyong artista.

At hindi lang kuno ang hunk actor ang kailangang suportahan ng kanyang karelasyon, maging ang kanyang pamilya ay nakasahod din, kaya kapag nagtatagal nang ganu’n ang sitwasyon ay iniiwan na siya ng babae.

Ayon sa aming mga impormante ay ganu’n din ang narinig nilang kuwento tungkol sa hunk actor. Nakarelasyon pala niya nu’n ang isang anak-mayamang modelo, ganu’n din ang nangyari, naging palabigasan din ng hunk actor ang babae.

Kuwento ng aming source, “‘Yun pala ang time na nag-decide ang hunk actor na ‘yan na papuntahin na rin ang family niya dito sa Pinas!

“Buhay-mayaman kasi sila rito, super-rich ang girlfriend niya, super-mahal din siya ng girl! Siya lang ang mundo ng babae, spoiled na spoiled siya, wala na talaga siyang hahanapin pa!” unang kuwento ng aming source.

Pero nagkaroon ng sawa factor, kayang-kaya pa rin silang buhayin ng super-rich girl, kaya lang ay bigla itong nagising sa katotohanan.

Balik-chika ng aming impormante, “‘Yun ang nangyari! Biglang naisip ng girl na bakit ganu’n, lahat na lang, e, siya ang nagbibigay sa lalaki!

“At hindi lang sa guy kundi pati sa family niya! Imagine, pupunta sila sa ibang bansa, akala mo barangay chairman ang rich girl sa dami nilang umaalis!

“Mula sa pinakamatandang member ng pamilya hanggang sa halos kapapanganak pa lang, e, bitbit ng guy sa ibang bansa! Natural, kapag ganu’n nga naman nang ganu’n, e, maloloka na ang girlfriend niya!

“Sayang na sayang ang super-rich girl, mabait ‘yun, saka talagang mahal na mahal siya. Impernes, mabait din naman kasi ang male personality, hindi lang talaga niya matiis ang mga granatsa ng pamilya niya!

“‘Yun din ang naging issue nu’ng maging magkarelasyon sila nina Actress H at Actress E, di ba? Ang girl din ang sagot sa lahat-lahat, kaya anyare?

“Hiniwalayan siya, hindi na kinaya ng dalawa ang sobrang pagiging clannish niya! Ipinagtatanggol pa siya ng family niya, e, kung sana, minsan lang nangyari ang ganu’n!
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, matsung-matsu nga ang guy na ito. Getlak n’yo na?” pagtatapos ng napapailing naming impormante.

Read more...