INIHAYAG ng Department of Health (DOH) tatlo pang kaso ng mga nasawi ang iniulat dahil sa coronavirus disease COVID-19), samantalang nadagdagan pa ng 29 ang nagpositibo dahilan para umabot na sa 140 ang kabuuang bilang ng mga apektado ng deadly virus.
Umabot naman sa 11 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil Sa COVID-19.
Base sa kalatas ng DOH, kabilang sa tatlong nasawi ang PH9, ang 86-anyos na Amerikanong lalaki na nakatira sa Marikina City, na namatay dahil sa multiple organ failure; ang PH54, 40-anyos mula sa Pasig City na nasawi dahil sa acute respiratory illness; at PH39, isang 64-anyos na lalaki mula sa Negros Occidental.
Sa tatlo, ang PH9 lamang ang may travel history sa United States at Korea, samantalang nagtungo si PH39 sa Greenhills, San Juan City, kung saan nagpositibo ang ilang katao sa COVID-19.