Panelo sa community quarantine sa MM: Walang namamatay sa gutom

IPINAGTANGGOL ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang isang buwang community quarantine sa Metro Manila sa pagsasabing wala namang namamatay sa gutom.

“Hindi totoo iyon. Walang namamatay sa gutom,” sabi ni Panelo bilang tugon sa tanong na hindi man mamatay sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga Pinoy, mamamatay naman sa gutom ang mga apektado ng community quarantine.

Iginiit pa ni Panelo na lahat naman ay makikinabang sa isinasagawang checkpoint matapos ang mga reklamo na mga maliliit na manggagawang na nasa labas ng Metro Manila ang apektado ng paghihigpit.

Idinagdag ni Panelo na inihahanda na ng pamahalaan ang mga ayuda para sa mga apektado ng COVID-19.

“HIndi ba sinabi na nga natin na yung ating social service departments meron nang hinanda na mga packages. Daang libo na nga yung naka-ready sa kanila yung mga packed food, lagi tayong naka-ready,” giit ni Panelo.

Sinabi pa Panelo na base sa ulat ni Social Welfare Secretary Rolando Joselito Bautista may 300,000 food pack na ang ibibigay sa mga apektadong empleyado.

“Sabi ni Secretary Bautista, pinapamigay nga daw nila kaya madami na silang nagawa…Tapos there are more coming,” ayon pa kay Panelo.

Read more...