Klase sa Nueva Ecija suspendido ng 1 buwan dahil sa COVID-19

INIHAYAG ni Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali ang isang buwang suspensyon ng klase sa lalawigan sa harap ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinanbi ni Umali na epektibo ang suspensyon ngayong araw hanggang Abril 14 bilang bahagi ng pag-iingat sa posibleng pagkalat ng COVID-19.

“It is necessary and appropriate to take action to control the spread of COVID-19 and to keep safe and secure the residents and visitors of the province of Nueva Ecija amid the public health threat,” sabi ni Umali.

Hindi naman binanggit ni Umali kung wala pang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang community quarantine sa Metro Manila sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19. Inquirer

Read more...