NAMATAY na ang 41-anyos na empleyado ng Kamara de Representantes na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Kinumpirma ito ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales.
“It is with deep sadness that we inform you that — from our Printing Service passed away this morning. He left behind his loving parents, wife and 2 children,” ani Montales. “Let us all pray for the repose of the soul of Brandon. Let us pray for his family’s strength in these trying times.”
Wala umanong history ng pagpunta sa ibang bansa na mayroong kaso ng COVID-19 ang nasawi at wala ring natukoy na kilala nito na kumpirmadong nahawa.
Isinailalim sa self-quarantine ang mga empleyado ng Printing Service at wala pang nagpapakita ng sintomas sa kanila. Nagsagawa ng sanitation and disinfection sa 11 gusali ng Batasan Complex.
Suportado naman ni House Deputy Speaker Michael Romero ang suspensyon ng pasok sa Kamara de Representantes lalo at wala namang sesyon ang Kongreso.
Ayon kay Romero maaaring magpatupad ng dalawang linggong bakasyon sa Kamara at kung kakailanganin na magsagawa ng special session ay tapos na ang 14-day quarantine ng mga empleyado.
“I suggest majority of us, our staff and administrative personnel should be allowed to observe the 14-day self-quarantine starting March 15 to prepare ourselves for the special session,” ani Romero. “A skeletal work force can be tapped to hold fort and address urgent legislative work while others can be assigned to work from home.”