INIHAYAG ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang ikalawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan.
Sinabi ni Remulla na isang medical practitioner ang pasyente na nahawa dahil sa community transmission.
“We have just received a confirmed 2nd positive case of COVID-19 in the province of Cavite,” sabi ni Remulla sa isang Facebook post.
Idinagdag ni Remulla na naka-confine ang pasyente sa isang pribadong ospital sa Silang, Cavite.
Umapela si Remulla sa mga residente na manatili na lamang sa bahay dahil napakataas ng posibilidad ng community transmission ng COVID-19 sa Cavite.
“COVID-19 is here in Cavite. The possibilities of community transmission (are) very high. Please stay at home as much as possible,” dagdag ni Remulla.
MOST READ
LATEST STORIES