Bakit natsismis na magdyowa sina Vice at Daryl Ong? | Bandera

Bakit natsismis na magdyowa sina Vice at Daryl Ong?

Julie Bonifacio |March 15,2020
facebook
share this

Bakit natsismis na magdyowa sina Vice at Daryl Ong?

Julie Bonifacio - March 15, 2020 - 12:45 AM

DARYL ONG, BUGOY DRILON AT MICHAEL PANGILINAN

SA deklarasyon ni President Rodrigo Duterte ng “community quarantine” sa Metro Manila, mas lalo pang dumami ang mga nakasenlang events sa showbiz.

Isa na riyan ang “BUDAKHEL LIVE: The Best of the ‘90s” concert na gaganapin sana on March 20 sa Newport Performing Arts Theater sa Resort’s World Manila.

Nakatanggap kami ng text message mula sa PR ng Resort’s World informing us about the cancellation of the concert.

Narito ang text message, “We would like to inform you that BUDAKHEL LIVE, the much anticipated concert featuring Daryl Ong, Bugoy Drilon and Michael Pangilinan, originally scheduled on March 20, 2020 will be rescheduled to a later date in view of the COVID-19 situation.”

Iho-honor pa rin daw nila ang mga tiket na binili kapag natuloy na ang concert at ia-announce nila agad kapag may date na ulit ang “BUDAKHEL LIVE” concert.

Excited pa naman ang isa sa member ng BuDaKhel na si Daryl Ong para sa concert nila nina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan. First time kasi nila na magkakasama sa isang major concert on stage.

“Oo, kasi excited talaga kami, at ready naman kami. Kaya todo kami mag-promote. Pero siyempre, safety first para sa lahat,” pahayag ni Daryl.

Wish ni Daryl na makapanood ang ang anak niya na nasa US sa concert ng BuDaKhel. It’s been three years at eight years old lang kasi ‘yung bata nu’ng huling makita ng personal ni Daryl.

That was the time nu’ng isinama siya ni Vice Ganda sa US. Ito rin ang naging mitsa kaya na-link si Daryl noon kay Vice, “Oo nga po, e. Close kasi kami ni Vice. Nami-miss ko na nga ‘yun. Ngayon, hindi na kami masyadong nakakagimik.”

Once pa lang daw niya na-meet ang karelasyon ni Vice na si Ion Perez. At hindi pa raw sina Vice at Ion noon, “Ngayong sila na? Hindi pa. Sana nga, e. Sana nga ma-meet ko siya.

“Hindi ko alam kung saan sila masyadong (nagpupunta). Hindi na yata masyadong umiinom si Vice. Sa ‘Showtime,’ nagkikita kami. Pero kasi, mas nae-enjoy ko ‘pag wala sa work. Kasi, oo, siyempre, parang, mas natural. Kwentuhan lang,” dagdag ng singer.

Inamin ni Daryl na ilang beses din siyang sumasama kay Vice ‘pag gumigimik ang komedyante, “Hindi ko kinakaya kasi, minsan 5 a.m., 6 a.m. sila natatapos. E, hindi naman ako masyadong umiinom.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending