Kim sa basher: Sayang oras mo sa pagiging imbestigador keme

KIM CHIU

Hindi pinalampas ni Kim Chiu ang isang netizen na nam-bash sa kanya kaugnay pa rin ng pagratrat ng riding-in tandem sa sinasakyang van noong March 4 sa Quezon City.

Sa Instagram nag-post ang basher ni Kim ng, “If I’m ambushed I’ll be inactive for quite some time. Mga aksidente suntukan ok lang move on agad pero pag ambush? Iba tama nun if legit ambush.

Kahit na abisuha ako ng boss na ok lang yan etc., buhay mo ‘yan, di nila buhay ‘yan.

“Maging vigilant ako maging mapagmatiyag. Malay mo dito sa soc med andito ang may plano kaya [lie-low] muna. Pero ikaw bilis sa’yo, post2X, galing. Hope lahat ng na-ambush pareho simo ka gahi (pareho sa ‘yo ang tibay),” aniya pa.

Ito naman ang reply sa kanya ni Kim, “It’s because I’m not scared. The bullet is not for me. I’m happy I’m alive and that’s more important than waste your time being an ‘investigator’ keme.”

Read more...