Heart ang totoong kayamanan ay kalusugan…at ingat sa fake news

HEART EVANGELISTA

DEDMA lang ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa mga namba-bash sa kanya matapos ibandera sa social media ang kanyang fashionable face masks na siya mismo ang gumawa.

Ipinamigay ng misis ni Chiz Escudero ang mga ginawa niyang face mask sa ilang fans sa gitna na rin ng coronavirus disease crisis sa bansa.

Pero kung may bumilib sa husay ni Heart na mag-customize ng face mask meron din namang nangnega pero sabi nga ng aktres, hindi na siya nagpapaapekto sa mga bashers.

“Natutuwa ako kasi I guess it’s my way of trying to be positive. I know mahirap talaga ‘yung pinagdadaanan natin ngayon pero kailangan pa rin natin maging hopeful. I guess that’s my way of being creative and trying to put a smile on somebody,” pahayag ni Heart sa isang panayam.

Nagpaalala din si Heart na sana’y iwasan ng ilang kababayan natin ang panic buying at hoarding. Huwag din daw basta-basta maniniwala sa mga nababasang balita sa social media, lalo na kapag tungkol na sa COVID-19.

“Ang daming nagho-hoard so siguro ‘yun nakakalungkot kapag nakakakita ako ng ganoon. Sana magtulong-tulong talaga tayo kasi lahat tayo puwedeng maapektuhan nito.

“It’s really growing so we just have to follow and be aware of kung anuman ang nasa social media, kung ano’ng mga kailangan. Alamin natin ‘yung fake news, ano ‘yung totoong news,” lahad pa ng Kapuso leading lady.

At bilang pag-iwas na rin sa banta ng COVID-19, nagdesisyon si Heart na ikansela na ang pagpunta niya sa ibang bansa nitong nagdaang buwan, “Marami dapat akong pupuntahang events, for Vogue, for Paris Fashion Week, for Milan, for all of that. In fact, ‘yung mga iba nga, na-reserve ko na ‘yung flight, may hotel and everything.

“But I really felt that I needed to be a bit more responsible especially because I have kids at home. I really cancelled all my trips,” pahayag niya.

Paalala pa ni Heart, mas mahalaga pa rin ang kalusugan kesa sa kayamanan, “Masaya magbihis, masaya mag-enjoy ng buhay. Pero ang totoong kayaman kasi is health and your moments with your loved ones.”

 

Read more...