Sarah Lahbati, Richard Gutierrez nagpakasal bago ipatupad ang ‘community quarantine’

ILANG oras bago ipatupad ang “community quarantine” sa buong Metro Manila dahil sa coronavirus disease, itinuloy pa rin nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang pagpapakasal.

Kamakailan, ay inihayag ng showbiz couple ang pagkansela sa kanilang engrandeng wedding kasabay ng announcement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsailalim ng buong bansa sa Code Red Sublevel 2 dahil nga sa COVID-19 outbreak.

Isa si Duterte sa mga kinuhang ninong ng bagong kasal kasama sina former Presidents Joseph Estrada and Gloria Macapagal Arroyo.

Pero ginulat nga nina Sarah at Richard ang madlang pipol nang mag-post sila sa kanilang Instagram account ng mga litrato na kuha sa naganap na intimate wedding na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Present siyempre sa kasal ang parents ng groom na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez at mga kapatid nitong sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Caption ng mag-asawa sa kanilang wedding photos: “I have you.

“And it’s enough.

“It’s everything.

“Thank you, Lord for today.”

Ayon sa mensahe ni Richard tungkol sa kanselasyon ng kanilang bonggang wedding, tuloy pa rin ito at ihahayag na lang nila ang petsa kung kailan ito magaganap.

“The gathering to celebrate with our loved ones will have to wait because we care more about everyone’s safety and health,” sabi pa ng mag-asawa.

Read more...