Curfew ipapatupad sa Metro Manila

ISANG resolusyon ang ipinasa ng Metro manila Council para sa pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila mula Marso 15 hanggang Abril 14.

Ang curfew ay magsisimula ng alas-8 ng gabi hanggang 5 ng umaga.

Exempted naman sa curfew ang mga nagtatrabaho at ang ipinagbabawal ay ang pagbisita sa mga kaibigan, pagpunta sa party at iba pang gimik.

Nilinaw naman ng Metropolitan Manila Development Authority na hindi ikukulong ang mga lalabag sa curfew. Pagsasabihan lamang umano ang mga ito at pauuwiin.

Sa Marso 15 ay isasailalim sa quarantine ang National Capital Region upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.

Read more...