IRR ng social distancing measures ipinalabas sa harap ng community quarantine sa MM

IPINALABAS na ng Palasyo ang implementing rules and regulations (IRR) ng social distancing measures na epektibo na sa Marso 15, 2020 at tatagal ng Abril 14, 2020 bilang bahagi ng community quarantine na ipinalabas ni Pangulong Duterte sa harap ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang memorandum kagabi matapos ang rekomendasyon Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Sa ilalim ng memoradum, bawal na ang lahat ng mass gathering kagaya ng movie screenings, concerts, sporting events at iba pang entertainment activities, community assemblies, at non-essential work-related gatherings.

“Essential work-related meetings and religious activities may continue so long as strict social distancing, defined as the strict maintenance of a distance of at least one meter radius between and among those attending, is maintained during the entirety of the event,” sabi ng Panelo.

Idinagdag ni Panelo na inaatasan din ang mga lokal na pamahalaan na sumunod sa direktiba ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa implementasyon ng pangkalahatang community quarantine sa kani-kanilang nasasakupan.

“For this purpose, general community quarantine is defined as a condition where movement of people shall be limited to accessing basic necessities and work; and uniformed personnel and quarantine officers shall be present at border points,” dagdag ni Panelo.

Ayon kay Panelo, dapat itong ipatupad ng mga LGUs na sakop ng community quarantine. 

Bawal na ang pagpasok ng hindi residente, partikular ang mga may edad 60 pataas, may mga sakit at buntis, maliban na lamang sa mga health workers, otorisadong opisyal ng gobyerno, kailangang magpagamot o dahil sa humanitarian na kadahilanan, mga pupunta ng airport na may biyahe papuntang ibang bansa, mga taong nagbibigay ng basic services at public utilities, at essential skeletal workforce.

Nakalagay din sa memorandum na bawal palabasin ng Metro Manila ang mga tao maliban lamang sa mga health workers, mga otorisadong opisyal ng gobyernor, mga magpapagamot at dahil sa humanitarian na rason at mga binigyan ng permit.

“Provides that all persons leaving the contained community must be checked for signs and symptoms (fever, respiratory symptoms, diarrhea) at exit checkpoints where appropriate certification will be issued by the competent health authority (DOH or Provincial/City/Municipal Health Officer), health authority endorses exiting person to recipient LGU, exiting persons to undertake 14-day home based quarantine, and LGUs are required to monitor implementation of home-based quarantine,” dagdag ni Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na kung kinakailangan, may kapangyarihan ang DOH at DILG na atasan ang isang LGU na paigtingin ang community quarantine, kung saan maaaring ipatupad ang mahigpit na home quarantine, suspensyon ng mga biyahe.

“Provision for food and essential health services shall be regulated, and the presence of uniformed personnel to enforce quarantine procedures shall be heightened,” sabi pa ni Panelo.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na dapat ding ipatupad ang alternative working arrangements,  kasama na ang work-from home, compressed work week, staggered working hours, at pagbuo ng skeletal workforces.

“All members of the Philippine National Police, the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Coast Guard, and health and emergency frontline services are directed to continue full operation. The Legislative and Judicial Branches, as well as the independent constitutional bodies are encouraged to adopt the same policy,” ayon pa kay Panelo.

Samantala, sinabi ni Panelo na sa harap ng ban sa land, domestic air at domestic sea travel, papasok at palabas ng Metro Manila, lahat ng mga empleyado kasama ang mga self-employed ay papayagang makabiyahe.

“For this purpose, proof of employment and/or business must be presented at border checkpoints,” sabi ni Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na para sa mga pasaherong pupunta ng ibang bansa at dadaan ng NCR, kailangang magpakita ng international travel itinerary sa checkpoints.

“However, outbound travel to countries where travel restrictions are in place remains prohibited,” ayon pa kay Panelo.

“The movement of cargoes shall be unhampered, regardless of origin or destination,” pagtiyak ni Panelo.

Suspendido rin ang klase sa NCR hanggang Abril 14, 2020.

Nagpatupad na rin ng travel ban mula Iran at Italy.

“Aside from the current travel restrictions imposed upon foreign travel to and from China, including its Special Administrative Regions, and portions of South Korea, inbound travelers from Iran and Italy (except Filipino citizens, including their foreign spouse and children, if any, and holders of Permanent Resident Visas or 9(e) Diplomatic Visas issued by the Philippine Government) shall be required to present a medical certificate issued by competent medical authorities within 48 hours immediately preceding departure signifying that they have tested negative for COVID-19,” sabi pa ni Panelo.

Read more...