TINUTUKSO na si Vin Abrenica ng kanyang mga kaibigan kung kailan naman daw siya magkakaroon ng baby.
Nakadalawang anak na kasi ang kapatid niyang Aljur Abrenica sa misis nitong si Kylie Padilla kaya ang laging biro sa kanya, kailan naman nila balak ni Sophie Albert ang bumuo ng sarili nilang family.
“Kung alam ninyo lang, naku, sa mga… at least, nalalabas ko naman ‘to sa dalawang bata. Magkasunod pa. At, parehong lalaki. Parang kami rin (ni Aljur).
“Nakakatuwa silang makita. Nae-excite na nga ako makita yan kung paano sila lumaki. Kasi, parang kami rin noon, sana lumaki silang mabubuti at masunuring bata,” pahayag ni Vin.
Isang taon lang kasi ang agwat ng edad nila ni Aljur. Madalas daw silang mag-away ni Aljur nu’ng mga bata pa sila. Nagsasapawan daw sila halos araw-araw.
“Muntik na nga kaming paghiwalayin dati. Tatay ko (sa) Batangas, e. Batangas na sana ako, e. Nanay ko sa Pampanga. Kaya siya sa Pampanga na. Ganoon kami kagrabe noon,” natatawang kuwento ng hunk actor.
Nagkabati na lang daw sila nu’ng tumanda na sila at tandang-tanda pa ni Vin ang tagpo sa buhay nila noong mapaaway sila.
“Nagkaroon na ng time na ang kalaban namin, otso, 10? Magkatalikod lang kami. As in, nanginginig ako sa takot. Kasi, ang dami! Matatanda sa amin.
“Sabi niya, ‘Tol, handa ka ba?’ Nagtanggal kami ng belt. Dalawa lang kami, ‘Sige, lapit. Bakbakan na ‘to.’ Umabot kami sa mga ganoong eksena. Kaya doon kami nagsimula na maging solid. From then on, magkasangga na kami,” kuwento pa ni Vin.
Dream ng binata na magkasama sila sa mga proyekto ni Aljur especially sa ABS-CBN. Never pa raw kasi silang nagkasama sa isang teleserye o pelikula kaya siguradong matsa-challenge sila sakaling gumawa sila ng project together.
“Ang sarap noon. Diyos ko, kahit magkapatid, ‘no? Kahit ako na ‘yung gago, okey lang. Siya ‘yung bida, ako ‘yung kontrabida. Siya ‘yung mabait, ako ‘yung sira-ulo, okey lang. Gusto ko ‘yun,” excited pang pahayag ng aktor.
Two years ang pinirmahang kontrata ni Vin sa Handford undergarments at naka-schedule pa lang ang pictorial niya para sa posters and billboards.
Kaya naman super naghanda na raw si Vin para rito. Kaya abangan n’yo na lang ang paglabas ng kanyang pictorial para sa nasabing underwear brand.
Haping-hapi naman ang long-time girlfriend ni Vin na si Sophie Albert sa pagiging Handford endorser ng binata. Mas excited pa nga raw si Sophie kesa sa kanya.
“As in, sobrang happy siya para sa akin. Kasi, finally, she’s with me in my journey, e. And because she’s very happy for me, she woke up very early para samahan akong mag-workout even if dapat rest day siya today.
“Do you see my face? This face? Siya pa ang nag-make up sa akin,” pagmamalaki pa ni Vin sa kanyang GF.
Kwento pa niya, “Wala pang driver ‘yun. Pagkatapos kong umalis, pagkaalis ko ng bahay kanina, umuwi pa siya sa kanila. Nag-drive pa siya pauwi. So, yun, she’s super happy for me.”
Sana nga sila na ni Sophie ang magkatuluyan sa ending dahil bagay na bagay sila at mukhang in love na in love naman sila sa isa’t isa.
Pero tama lang na huwag muna silang magpakasal dahil siguradong napakarami pang magagandang opportunities ang darating sa kanila lalo na ngayon na sunud-sunod ang mga projects nila.
Sa Vin ay humahataw ngayon sa A Soldier’s Heart ng ABS-CBN habang si Sophie naman ay hindi nawawalan ng trabaho sa GMA 7.