SIGURADONG mahaba ang live coverage ng unang edisyon ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa May 3.
Fifty two ang bilang ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng kapuluan, kabilang ang mga pageant returnees na sina Michele Gumabao (2019 Binibining Pilipinas-Globe) at Sandra Lemonon.
That was the last na hinawakan ni Ms. Stella Marquez de Araneta ang local pageant makaraan ng mahabang panahon. Si 2011 Miss Universe Chamsey Supsup now heads the organization.
Ipinakilala sa press ang mga candidates noong Feb. 14, pero ang masasabing unang public appearance nila was on Feb. 29 in what was called as pasarela or pageant walk na ginanap sa Bonifacio Global City kung saan kulay itim ang kanilang mga kasuotan.
Interestingly, isa sa 52 hopefuls happens to be the niece of 1973 Miss Universe Margarita “Margie” Moran (now Floriendo) named Ysabella “Bella” Roxas Ysmael, 23 years old. In one photo ay magkahawig ang magtiyahin lalo na sa lower part ng mukha.
Hindi na bago sa pageant world si Bella as she represented Barangay BF Homes and won the title Binibining Parañaque in 2014. She also won first runner up in 2018 Century Tuna Superbods contest.
Ang kanyang amang si Charlie na isang radio DJ at The Breed vocalist and Margie are cousins. On her mother’s side, lola naman niya ang veteran actress na si Marita Zobel.
Just like her aunt, ballet dancer and a supporter of Filipino arts din si Bella. Academically, nagtapos siya ng BS Psychology mula sa De La Salle University sa Taft, Manila. Ang adbokasiya niya ay mental health awareness.
Sinusuportahan din ni Bella ang mga karapatan ng kababaihan.
Kung “confidently beautiful” noong nagdaang panahon ang slogan ng Binibining Pilipinas, nakaangkla naman ang Miss Universe Philippines on three key pillars namely Beautiful Transformation, Bey
Pamangkin ni Margie Moran, dating BB. Pilipinas candidates lalaban sa Miss U PH
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...