Same sex marriage

Sulat mula kay Freddie ng Barangay Lanipao, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Napuna ko na mabilis na lumipas ang panahon nang tumuntong ako sa edad na 40.  Dinadalaw na ako ng lungkot dahil parati akong mag-isa.  Makipag-date man ako, pagkatapos nito ay mag-isa muli ako.  Ako po’y lalaki na may pusong babae at aaminin ko na marami na rin akong naging boyfriend.  Walang nagtatagal na lalaki sa akin at ang pinakamatagal ay kalahating taon.  Pagkatapos noon ay nag-iisa na naman ako.  Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya akong makasumpong ng  lalaki na habambuhay kong makakasama?  Gusto ko nang magpakasal sa kapwa ko lalaki.  Sinu-sino ang ka-compatible ko at makakasama habambuhay? October 28 ang birthday ko. Kung sakaling ako ay magkakaroon ng makakasama habambuhay kahit ako’y bading, kailan naman siya darating?
Umaasa,
Freddie ng Barangay Lanipao, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit bakla ka, may nakikita pa ring malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t natuto kang maghintay, ang takdang kapalaran ang magbibigay sa iyo ng lalaking panghabambuhay mong makakasama, kahit sabihin pang bakla o bading ka.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Queen of Clubs at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng babaing maganda, magkakaroon ka na rin ng asawa na kapwa mo lalaki.
Itutuloy…

Read more...