Kisses sinuwerte sa GMA; Uge, John pakilig sa Dear Uge

Masaya ang buong cast ng well-loved comedy anthology ng GMA na Dear Uge sa pangunguna ng award-winning Kapuso actress na si Eugene Domingo dahil patuloy silang nakapaghahatid ng saya at katatawanan sa viewers tuwing Linggo.
Last week ay panalo ang programa sa ratings game kung saan guest ang newest Kapuso star na si Kisses Delavin bilang kapatid ni Uge sa episode na pinamagatang “Viral Maging Judgmental”.

Marami ang humanga sa pagiging komportable agad ni Kisses sa kanilang mga eksena ng beteranang aktres. Samantala, tampok naman ngayong Linggo ang tambalan nina Eugene Domingo at John Estrada sa episode na “Dear Uge presents: Wish Me Love.”
Kwento ito ng isang babaeng mada-diagnose with stage 4 colon cancer at susubukang hanapin ang lalaking dating nagpatibok ng kanyang puso pero malalaman nitong happily married na ang huli. Sundan ang nakaka-inspire na kwentong ito sa Dear Uge ngayong Linggo after All-Out Sundays sa GMA.

Read more...