Anne nabiktima ni Jasmine sa Lyric Prank Call, patok sa DOTS fans


SUPER enjoy at game na game si Descendants of the Sun actress na si Jasmine Curtis sa ginawa nitong challenge para biktimahin ang kapatid na si Anne Curtis.

Winner ang kanyang “Lyric Prank Call” kung saan tinawagan ng Kapuso actress ang kanyang close friends and family.

Sa nasabing challenge, ang tanging sasabihin ni Jasmine sa kausap niya sa kabilang linya ay lyrics ng mga kanta, nang hindi dapat tumatawa.

Ang unang nabiktima ni Jasmine at ang mga co-stars niya sa DOTS na sina Chariz Solomon at Alpha team member Jon Lucas na parehong tawang-tawa sa panlolokong ginawa sa kanila ng dalaga.

Hindi rin nakaligtas sa panggu-good time ni Jasmine ang kanyang Mommy Carmen at ang kapapanganak pa lang na kapatid niyang si Anne na noong una ay naguguluhan pa sa mga pinagsasabi niya pero madali ring na-gets ang tunay na motibo niya.
In fairness, miss na miss na agad ni Jasmine ang kanyang pamangkin na talagang binisita niya agad sa Australia pagkasilang. Pero siyempre, kailangan niya agad bumalik sa bansa dahil sa DOTS.

Samantala, pinuri naman ng netizens ang galing sa pagde-deliver ng lines ni Jasmine nang hindi tumatawa sa Lyric Prank Call na patunay lang na magaling talagang aktres ang dalaga.
Kasalukuyang napapanood si Jasmine bilang si Lt. Moira Defensor at ang katambal nitong si Rocco Nacino bilang si Diego Ramos sa pinag-uusapang Pinoy adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun. Gabi-gabing nagpapasabog ng kilig at good vibes sa viewers ang tandem nilang GoRa (Diego at Moira) dahil sa mga eksena nila sa serye. Napapanood ang Descendants of the Sun pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Read more...